Nagsagawa ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng inspection sa operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang immigration operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay kanilang iprinisinta sa IACAT.
Layon nitong ma-review ang procedures ng departure formalities bilang bahagi ng inter-agency regular assessment.
Sa isinagawang inspection, kinumpirma ng IACAT na pareho lamang ang ipinatutupad ng BI na procedures gaya noon.
Una rito, naglabas ang IACAT ng revised guidelines on departure formalities para mapagaan ang mga requirements ng mga Pinoy na papaalis ng bansa.
Iginiit naman ni Tansingco na walang karagdagang requirements sa mga lalabas ng bansa na mga turista.
Aniya, sa updated guidelines ang mga regular tourists ay magpiprisinta lamang ng passport na valid sa loob mg anim na buwan, valid visa kapag inire-require sa pupuntahang bansa ng visa, boarding pass at confirmed round trip ticket.