Manila, Philippines – On site sa mga oras na ito ang mga opisyal at tauhan ng DOTr katuwang ang IACT na binubuo ng MMDA at HPG para humanap ng alternatibong ruta sa Commonwealth, Quezon City.
Kung maalala, nagsimula na ang konstraksyon ng MRT-7 kung saan 2 mula sa 7 kalsada ng magkabilang linya ang isinira.
Nagresulta na ito ng sorang bigat ng daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.
Ayon kay DOTr Usec. Thomas Orbos, may mga naisip na silang mga paraan para kahit papaano mapagaan ang daloy ng trapiko.
Dagdag pa ni Orbos, may pinag-aaralan na rin silang mga alternative route.
Bukod dito magdadaggdag din sila ng mga tauhan na gagabay sa mga motorista.
Hanggang Abril ipapatupad ang nasabing pagbabago sa kuta para maayos ang trapiko sa Commonwealth habang pinasalamatan ng Usec. Orbos ang DZXL 558 RMN Manila sa mga naimbag na posibleng solution sa nasabing problema.