OIC Manager ng Mindanao Star Bus patay sa pamamaril

Patay ang OIC Manager ng Mindanao Star Bus matapos pagbabarilin sa loob mismo ng Terminal sa bahagi ng Don Rufino Street Cotabato City pasado alas onse kaninang umaga

Kinilala ni City PNP Director PSSupt Victor Valencia ang biktima na si Datu Muslimin Mamintal , residente ng Pikit, North Cotabato.

Sa inisyal na impormasyon kumakain ang biktima sa loob ng compound ng terminal nang paputukan ng di nakilalang gunman na di umanoy nakapwesto sa labas ng terminal.


Isinugod pa sa ospital si Mamintal ngunit di na ito nagawang maisalba.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon sa motibo at sa pagkakakilanlan ng gunman. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments