Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng Commission on Elections (COMELEC) na makapagsagawa ng voting simulation o voting dry run.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binigyan nang go signal ang COMELEC para isagawa ang dry run sa San Juan City sa October 23, 2021.
Layon ng voting simulation na mapaghandaan ang gagawing 2022 election sa harap ng hamon na kinakaharap ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Maliban dito, inaprubahan din ng IATF ang apela ng Intramuros Administration para sa kanilang mga programa sa mga fully vaccinated senior citizens edad 65 pataas pero dapat matiyak na nasusunod ang mga kundisyong ipapatupad mula sa lokal na pamahalaan at sa Department of Health.
Facebook Comments