IATF at mga LGUs, pinaglulunsad ng house-to-house vaccination para sa mga hindi pa bakunado at mga tatanggap ng booster shots

Pinaglulunsad ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang Inter-Agency Task Force (IATF) at mga Local Government Units (LGUs) ng “house-to-house” vaccination laban sa COVID-19.

Ang pagsasagawa ng pagbabahay-bahay na pagbabakuna ay para sa mga hindi pa bakunado at mga tatanggap ng booster vaccines.

Tinukoy ni Castelo na marami pa rin ang umiiwas na magpabakuna dahil sa takot na mahawaan ng virus at iba pang sakit sa mga inoculation centers.


Ang iba naman aniya ay naghihintay pa na maging available ang gustong brand ng bakuna habang ang ibang mahihirap ay wala namang access sa internet para makapagparegister at makapagpa-schedule sa online.

Naniniwala ang kongresista na mas mapapabilis ang bakunahan at agad ding mabibigyan ng kinakailangang proteksyon ang mga tao laban sa Omicron variant.

Pinatitiyak din ni Castelo sa Department of Health (DOH) at sa mga LGUs na may sapat na suplay na bakuna at tukoy na dapat ang brand na may mataas na pagtanggap mula sa mga residente.

Facebook Comments