IATF, binatikos ng isang grupo kaugnay sa desisyon na isailalim sa GCQ with alert level system ang Kalakhang Maynila

Binatikos ng Council for People’s Development and Governance (CPDG) ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa desisyong magpatupad ng General Community Quarantine with alert level system at granular lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay CPDG Spokesperson Liza Maza, wala namang kasiguraduhan na magiging epektibo ito sa pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19.

Ipinaliwanag ni Maza na hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin ang gobyerno na gumastos para sa mass testing at contact tracing.


Kasunod nito, nanawagan din ang ilang grupo at mga opisyal na dagdagan ang pondo para sa COVID-19 response at gawing sentro ang kalusugan sa plano gobyerno.

Bukas, September 16 ay ipatutupad ang Alert Level 4 para sa Metro Maynila dahil sa mataas pa rin na COVID-19 cases.

Facebook Comments