IATF: Ilang abogado, nag-alok ng kanilang serbisyo sa mga biktima ng diskriminasyon

Nag-alok na ng kanilang serbisyo ang mga abugado ng UP College of Law para sa mga nabibiktima ng diskriminasyon dahil sa COVID-19.

Sa virtual presser ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesman Karlo Nograles, sinabi nitong matapos niyang ilahad ang nararanasang harassment ng ilang health workers, frontliners maging ng mga PUM at PUI ay agad niyang natanggap ang tugon ng naturang mga abogado galing ng University of the Philippines (UP).

Volunteer lawyers against discrimination ani Nograles ang pagpapakilala ng nasabing mga abogado na handang magserbisyo ng libre para sa mga biktima ng diskrimnasyon.


Kaugnay nito nanawagan ang opisyal sa mga kapwa niya abugado na ipagkaloob na rin ang kanilang serbisyo sa mga nangangailangan ng kanilang tulong.

Una nang sinabi ng IATF sa mga Local Government Units (LGUs) na lumikha ng ordinansa na magpaparusa laban sa mga mambabastos at mang-ha-harass sa mga frontliners, PUIs, PUMS at recovered COVID-19 patients.

Facebook Comments