IATF, inaaral na ang pagpapaluwag ng mga restriksyon sa fully vaccinated individuals

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force Technical Working Group (IATF-TWG) ang pagbibigay ng incentives sa mga fully vaccinated individuals.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na inaaral ng mabuti ng IATF kung papayagan ng makapasok sa mga malls, restaurants at iba pang establisyemento sa Metro Manila ang mga fully vaccinated individuals para makabawi ang ekonomiya.

Aniya, lahat ay ikinokonsidera ng pamahalaan kaugnay nito lalo na ang epekto ng pabago-bagong anyo ng COVID-19, mga datus sa ibang bansa at ang vaccination rollout sa bansa.


Marami pa rin kasi aniya sa ating mga kababayan ang hindi pa bakunado.

Facebook Comments