Militar at mga NPA, muling nagkasagupa sa Misamis Oriental; isang NPA, patay

Nasawi ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na muling magkasagupa ang mga sundalo partikular ang mga miyembro ng 4th Infantry Division ng Philippine Army at nasa sampung miyembro ng NPA sa Brgy. Lawaan, Gingoog City, Misamis Oriental.

Ayon kay Major Francisco Garello Jr. habang tinutugis ng mga sundalo ang mga nakasagupa nilang mga NPA nitong mga nakalipas na araw na makasalubong ang nasa 10 NPA sa may bisinidad ng Talupa Sitio Dumagook at nagkaroon ng ilang minutong sagupaan dahilan ng pagkasawi ng isang NPA.

Habang narekober ng militar sa pinangyarihan ng bakbakan ang tatlong matataas na kalibre ng armas.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang pursuit operation ng militar sa mga nakatakas na rebelde.

Facebook Comments