IATF, inamyendahan ang ilang criteria sa paglalagay ng Alert Level 1 ng mga lugar sa bansa

Inamyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang patakaran sa pagsasailalim ng lugar sa Alert Level 1.

Ayon acting Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan, ilan dito ay ibinaba sa 70% na lamang ang dapat makakumpleto ng bakuna sa mga senior citizen mula sa dating 80%.

Kailangan din ay mababa sa 50% ang total bed utilization rate sa mga ospital.


Dapat din ay nasa low to minimal risk classification ang mga kaso ng COVID-19 at kailangan ay 70% ang full vaccination ng kanilang target population.

Samantala, para naman sa mga provincial bus, hindi na required ang mga ito na gumamit ng integrated terminal exchange sa National Capital Region (NCR) epektibo sa March 24, 2022.

Sinabi pa ni Ablan na sa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan na ang 100% capacity sa lahat ng pampublikong sasakyan kaya kinansela na ng IATF ang resolusyon noong isang taon na nagtatakda sa paggamit ng integrated terminal exchange sa mga provincial bus.

Facebook Comments