Mga opisyal ng pamahalaan, itinalaga ni Pangulong Duterte sa ilang posisyon

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Dante Vargas bilang bagong Deputy Ombudsman for the Visayas.

Papalitan ni Vargas si Deputy Ombudsman Paul Elmer Clemente.

Hahawakan ng Deputy Ombudsman for the Visayas ang mga kaso ng katiwalian laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa rehiyon.


Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Michael Gonzales Regino bilang bagong President and Chief Executive Officer (CEO) ng Social Security System (SSS).

Si Regino ay miyembro rin ng Social Security Commission (SSC), ang governing board ng SSS na kumakatawan sa labor sector.

Facebook Comments