IATF inaprubahan ang pagsasagawa ng on-site medical, foreign service exams at nationwide survey ng BSP

60

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagsasagawa ng on-site exams para sa medical sector at foreign service, gayundin ang nationwide survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, isa ito sa mga napagpulungan at napagdesisyunan sa ginanap na IATF meeting kahapon.


Sinabi pa ni Roque na inaprubahan din ng IATF ang guidelines na inisyu ng Philippine Medical Association (PMA) sa pagsasagawa ng on-site, written, oral and practical specialty and subspecialty examinations.

May go signal na rin sa task force ang 2020 Foreign Service Officer Examinations na gaganapin sa December 15-17, 2020.

Pwede na ring muling magkasa ng nationwide survey ang Central Bank.

Facebook Comments