IATF, inatasan ang LGUs na maglagay ng special lanes o vaccination center para sa Top 3 Priority Groups

Inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga Local Government Unit (LGU) na maglagay ng special lanes o vaccination centers para sa Top 3 Priority Groups ng COVID-19 inoculation drive ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat na patuloy na iprayoridad ng mga LGU ang pagbabakuna sa health frontliners, senior citizens at mga may comorbidities.

Pagdating naman sa A4 Priority Group, maaaring unahin ang mga essential workers na edad 40 hanggang 59.


“For Priority Group A4, LGUs may give preference for persons aged 40 to 59 years old over 18 to 39 years old,” ani Roque.

Inaasahang masisimulan ang pagbabakuna sa mga essential worker sa Hunyo.

Facebook Comments