Mahigit P300,000 libo ng shabu, nasamsam sa Makati City

74

Nasamsam ng mga tauhan ni Makati City Police Station Chief of Police Col. Harold Depositar ang P340,000.00 halaga ng shabu, makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Ricarte St., Cor., M.H. Del Pilar St., Brgy., Rizal, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Juan Carlos Jr. y Gonzaga alias Nognog, 57, kung saan narekober sa kanya ang 3 pirasong transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at iba pang drug paraphernalia.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments