IATF, ire-review ang polisya ukol sa pagpayag sa mga bata na lumabas – Roque

Magpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng pamahalaan para talakayin ang panawagan ng local chief executives na suspendihin ang polisyang nagpapahintulot sa mga batang edad lima at pataas na lumabas ng kanilang bahay.

Nabatid na nagkasundo ang Metro Manila mayors na suspendihin ang naturang polisya dahil sa posibleng peligrong maidulot ng Delta variant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpupulong ang IATF ngayong araw para pag-usapan ito.


Napakahirap na balewalain ang suhestyon ng mga local government units (LGUs).

“Ang alam ko po nag-meeting na ang mga dalubhasa, magkakaroon sila ng recommendation pero sa Huwebes gagawin ang IATF meeting tungkol dito sa bagay na ito,” sabi ni Roque.

Una nang sinabi ni Roque na kaya pinayagan ang mga batang lumabas ng bahay dahil higit isang taon na silang nakakulong sa kanilang mga bahay at hindi ito maganda para sa kanilang katawan at isipan.

Facebook Comments