Nakatakdang mamahagi ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng modules sa iba’t ibang barangay sa bansa.
Ito ay para ipagbigay alam sa publiko ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakatutok na ang IATF sa mga barangay para matiyak na nasusunod ang health protocols.
Nakadetalye sa modules ang prevention, detection, isolation, treatment at reintegration o PDITR strategy.
Nabatid na paulit-ulit na ipinapaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sundin ang health protocols kabilang ang pagsusuot ng face masks, paghuhugas ng kamay at physical distancing para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments