VP Leni, nagpaliwanag sa pagpapalit niya ng residency

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na kailangan niyang ilipat ang kanyang residency mula sa kanyang hometown sa Naga City patungo sa Barangay Carangcang sa Magarao, Camarines Sur ay hindi dahil sa kanyang plano sa pulitika kundi dahil sa mga ari-ariang iniwan ng kanila ng kanyang magulang.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na plano nilang magtayo ng bahay malapit sa bayan ng Magarao.

Ang kanyang mga kapatid ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya nasa kanya ang pagpapasya kung ano ang gagawin sa ari-arian ng kanyang mga magulang.


Binigyang diin ni Robredo na ang paglipat nila sa Magarao ay hindi dahil may plano siyang tumakbo sa pagkagobernador ng Camarines Sur.

Aniya ang isang resident eng Naga ay hindi maaaring bumoto o tumakbo sa isang local post sa labas ng siyudad.

Sinabi ni Robredo na wala pa siyang desisyon patungkol sa kanyang plano sa pulitika at nananatiling bukas ang mga opsyon sa pagtakbo niya sa national o local position.

Facebook Comments