Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Metro Manila at 22 iba pang mga lugar sa bansa na kung saan nananatiling mataas ang growth rate ng COVID-19.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles maliban sa National Capital Region (NCR), binabantayan din nila ang Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Baguio City, Cebu City, Cebu Province, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Iloilo Province, Iloilo City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, Davao City, General Santos City, Ormoc City, Naga City, Dagupan City, Western Samar, Tacloban City, Biliran, at Zamboanga del Sur.
Ayon pa kay Nograles, inatasan nila ang mga regional IATF na magbigay ng pagtaya sa sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan.
Inabisuhan na rin nila ang mga lokal na pamahalaan at iba pang health authorities na dagdagan ang kanilang bed capacities.
Pinatitiyak din ng IATF na sapat ang kanilang isolation facilities, kasabay ng pagpapalakas sa kanilang telemedicines at teleconsulations.