Naghihintay ngayon ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease sa ilalabas na Security Health Protocol ng Macau.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar sa harap ng ginagawang re-assessment ng IATF para sa posibilidad na mai-lift na rin ang travel ban dito.
Paliwanag ni Andanar, ibinabase din kasi ng IATF ang mga nakalatag na Security Health Protocol sa hakbangin ng pamahalaan para sa pagtatanggal ng travel ban sa isang bansa na may kinakitaan ng Novel Coronavirus.
Sinabi ni Andanar na konsiderasyon ng naturang body sa hakbangin para maialis ang travel ban ay madetermina ang pagpapatupad ng protocol ng ibang bansa pagdating sa mga travelers.
Ayon sa Kalihim, ito ay isang developing issue at kung sila ang tatanungin ay hindi talaga nila nanaisin na magkaroon ng travel ban ang Pilipinas sa ibang bansa.