Pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung anong quarantine classification ang ipatutupad sa Metro Manila pagkatapos ng June 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patuloy na bumababa ang bilang ng namamatay sa COVID-19 ganun din ang case doubling time kung ibabatay ang datos na nakukuha habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Aniya, mahirap pa ring sabihin kung isasailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.
Paliwanag ni Roque, iba ang profile ng Metro Manila sa ibang rehiyon ng bansa dahil sa density ng populasyon.
Facebook Comments