Top two most wanted person ng Alcala, Cagayan, arestado sa Makati City

Timbog ang top two most wanted person ng Alcala, Cagayan matapos matunton ang kinaroroonan ng suspek.

Kaya naman hindi na pumalag pa si Franklyn Ancheta Dele Cruz, 53-anyos, nang ihain sa kanya ang warrant of arrest sa salang pagpatay o murder.

Nakapagtrabaho pa bilang Security Guard ang suspek at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.


Ayon sa Makati Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng surveillance laban sa suspek nang makumpirma ito, ikinasa ang operasyon laban sa kanya pasado alas-tres ng hapon kahapon.

Ang nasabing operasyon ay pinagsanib pwersa ng Station Intelligence Section at Warrant and Subpoena Unit ng Makati Police Station, Quezon City Police District (QCPD) District Intelligence Division at Cagayan Police Provincial Office.

Nakakulong na ang suspek sa Makati PNP Police Station Custodial Facility at nakatakdang i-turn over Alcala, Cagayan PNP.

Facebook Comments