Nakatakdang magpulong ngayong araw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, layon ng pulong na pag-usapan kung i-eextend ba o hindi na ang Alert Level 4 na umiiral sa Metro Manila.
Kasama rin sa agenda ay ang paghimay sa detalye ng gagawing pagbabakuna sa general population at mga kabataan.
Kabilang na rito kung saang mga lugar unang ipatutupad ang inoculation sa general population.
Ani Roque, ikokonsidera dito ng pamahalaan ang availability ng mga bakuna at ang kakayahan ng iba’t ibang Local Government Unit (LGUs) sa pagbabakuna lalo na sa mga COVID-19 vaccines na nangangailangan ng ultra low storage tulad ng Pfizer.
Facebook Comments