Pinabubuo ang pamahalaan ng isang “Inter-Agency Task Force” (IATF) para tugunan ang krisis sa tubig.
Ipinunto sa House Bill 10725 na inihain ni House Deputy Speaker Deogracias Savellano na mahalaga ang tubig sa buhay ng mga tao, mga komunidad at mga negosyo sa ating bansa.
Sa ilalim ng panukala, ang naturang IATF ang magsusulong, maglalatag at magpapatupad ng komprehensibong “master plan” upang matugunan ang “water crisis.
Kapag naging ganap na batas, ang IATF ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) bilang chairperson.
Aabot naman sa P100 milyon ang isinusulong na inisyal na budget sa IATF para sa krisis sa tubig.
Facebook Comments