Kampo ni Senator Pacquiao, babawiin ang apela sa pagbasura ng korte sa inihain niyang libel case laban kay Pastor Quiboloy

Bagama’t mariin ang pagtutol ay nirerespeto ng kampo ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang pagbasura ng Makati City Prosecutor’s Office sa inihain niyang kasong libel laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sabi ni Atty. Nikki de Vega, abogado ni Pacquiao, naghain na sila ng motion for reconsideration kaugnay nito na plano nilang bawiin.

Paliwanag pa ni De Vega, babawiin nila ang apela para mabigyang daan ang proseso ng extradition at pag-aresto kay Pastor Quiboloy ng US government sa pamamagitan ng Federal Bureau of Investigation (FBI).


Binanggit ni Atty. De Vega na ayon kay Senator Pacquiao, mas mahalaga na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng umano’y sex trafficking case ni Pastor Quiboloy sa Amerika.

Facebook Comments