IATF, pinag-aaralang buksan pa ang ilang industriya sa MECQ areas

83

Pinag-aaralan ng pamahalaan na buksan ang ilang industriya sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para mas maraming tao ang makabalik sa trabaho at matugunan ang gutom dulot ng mahabang lockdown.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kailangang balansehin ang public health at ekonomiya.


Aalamin nila kung ano pang mga industriya ang maaari nang magbukas sa ilalim ng MECQ.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ang tutukoy ng mga industriyang pwedeng magbukas sa MECQ areas.

Sa Hunyo, magkakaroon ng adjustments depende sa qualification.

Kung sakali namang ibaba pa sa General Community Quarantine (GCQ) ang status sa NCR plus ay mas maraming tao ang makakapagtrabaho.



Facebook Comments