DILG, nagbabala sa publiko ukol sa pekeng Pfizer vaccines

78

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko ukol sa mga naglipanang pekeng Pfizer COVID-19 vaccines sa global market.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat mag-ingat ang publiko kung saan sila kukuha ng bakuna para matiyak na ligtas at lehitimo ang mga ito.


Bagama’t wala pang naiuulat na presensya ng pekeng bakuna sa bansa, dapat maging mapagbantay ang mga Local Government Unit.

Inatasan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan at kumpiskahin ang anumang COVID-19 vaccines na maaaring nakapasok sa bansa.

Hinikayat ng DILG ang publiko na isumbong ang anumang impormasyon patungkol sa pekeng bakuna sa National Task Force Vaccine Cluster.

Facebook Comments