IATF, pinaglalabas na ng bagong guidelines para sa mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine

Umaapela ang isang kongresista sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maglabas na ng bagong guidelines para sa mga indibidwal na nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Hirit ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong, luwagan na ang lockdowns at mga protocol para sa mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine kasama ang mga senior citizen.

“With all these vaccinations going on, I think that the government should try to review our existing health and safety protocols and consider easing up its rules on people who have already been vaccinated. We have to jumpstart our economy and allow our businesses to recover their losses,” ani Ong.


Giit ni Ong, dahil tumataas na ang bilang ng mga nababakunahan ng COVID-19 vaccine ay dapat nang i-update ng IATF ang umiiral na guidelines sa social distancing at health protocols kasama na rito ang pagluwag sa capacity requirement sa mga malls, restaurants, hotels, resorts at iba pang establisyimento.

Sa ganitong paraan aniya ay maibabangon na muli ang ekonomiya at makakabawi na rin ang mga negosyong nasapol ng pandemya.

“At the same time, we will be able to entice more people to get themselves vaccinated. Even those who are having second thoughts to be vaccinated would definitely get a jab if they want to enjoy the same privileges as those who were already vaccinated,” dagdag pa ni Ong.

Bukod dito ay magiging paraan din ito para mahikayat ang mas maraming Pilipino na magpabakuna ng COVID-19 vaccine lalo na kapag nalaman ang mga kapalit na pribilehiyo.

Inirekomenda rin ni Ong sa IATF na magkaroon ng database na magagamit para sa cross-reference ng vaccination cards ng mga indibidwal na nagsasabing sila ay nabakunahan na.

Facebook Comments