Patuloy na mapapakinabangan ng publiko ang P27/kg na NFA rice sa mga pamilihan.
Ayon kay NFA Administrator Atty. Judy Carol Dansal, makapag distribute na ang National Food Authority (NFA) nasa 13.17 million bags ng bigas mula Enero hanggang Nobyembre.
Nakakapagbagsak ang ahensya ng daily average na 32,733 bags ng bigas sa 20,196 NFA outlets sa buong bansa na ibinebenta sa presyong P27 per kilogram.
Ani Dansal, maliban sa mga NFA outlets, nagsasagawa sila ng mobile sales sa ibat-ibang palengke accredited man o hindi.
Naglagay din ang NFA ng mga stationary outlets sa mga NFA compound para makapagbenta sa mga consumer.
Mas pinasigla pa ng NFA ang pamimili ng palay mula sa mga local farmers.
Mayroon nang 11.52 million bags na nabiling palay mula November 20 na 80% ng actual target na 14.46 million bags ng palay