Pinaalalahanan ng Philippine Pediatric Society (PDS) ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.
Ayon kay PDS Infectious Disease Expert Chairman for Vaccination Dr. Timmy Gimenez, may iba pang mga vaccine preventable diseases na dapat na maibigay sa mga bata na kailangan ding mabigyang pansin ng mga magulang.
Kabilang sa mga ito ang bakuna kontra tigdas, diphtheria, tetanus, hepatitis B, polio, influenza, at marami pang iba.
Dagdag pa ni Gimenez na mababa ang national immunization coverage rates nito kaya’t tinututukan din ng Health Department ang pagpapaigting ng pagbabakuna upang matiyak ang proteksyon at maayos na kalusugan ng mga batang hindi pa nakakatanggap ng mga naturang vaccine.
Nilinaw rin ng eksperto na libre lamang ang mga bakunang sa mga health center na nasa ilalim ng lokal na pamahalaan.