Europa, malapit na sa Pandemic endgame – WHO

71

Malapit nang pumasok sa tinatawag na “long period of tranquility” ang Europe dahil sa mataas na vaccination rate.

Maliban dito ay matatapos na ng taglamig at kontrolado na rin ang Omicron variant sa bansa.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Europe Director Hans Kluge, nakikita nila ang oportunidad na makontrol ang pagkalat nito at tila isa itong ceasefire kahit pa nananatili ang banta ng Omicron variant.


Magkakatotoo lang din aniya ito kung ipagpapatuloy ng mga bansa ang kampanya sa pagbabakuna at palalakasin ang surveillance sa pagtukoy ng mga bagong variants.

Hinimok din ng direktor ang mga health authorities na protektahan ang “risk groups” at panatilihin ang social distancing at pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments