Iba pang cash aid, hiniling na ilabas na rin agad para sa iba pang benepisyaryo

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sunod na ring ilabas ang nakabinbin na unconditional cash transfer sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang hirit ng kongresista ay kaugnay na rin sa pagsisimula ng pamamahagi ng ₱500 monthly ayuda para naman tugunan ang mga mahihirap sa mataas na inflation rate.

Aabot sa ₱9.4 billion ang hindi pa nailalabas na ayuda sa ilalim ng UCT.


Bukod dito, mayroon pang hindi naire-release na subsidiya sa Rice Farmer Financial Assistance ng Department of Agriculture (DA) na P5,000 sa kada rice farmer.

Giit ni Salceda, ito ay mga lumang programa na makakatulong para maibsan ang mabigat na pasanin ng mga pamilyang Pilipino laban sa nagtataasang presyo ng bilihin.

Facebook Comments