Mga Pinoy sa Hong Kong, inalerto ng Filipino community sa harap ng pananalasa ng bagyo roon

214

Inalerto ng Filipino community leaders ang mga Pinoy sa Hong Kong sa harap ng pananalasa ng bagyo roon.

Sa ngayon, kanselado na ang biyahe ng mga eroplano papasok at palabas ng Hong Kong gayundin ang ibang uri ng transportasyon.

Maging ang ilang tanggapan ng pamahalaan ng Hong Kong ay suspendido muna ang operasyon.


Sinuspinde rin muna ang mga pagbabakuna sa iba’t ibang lugar sa Hong Kong.

Pansamantala ring isinara ang COVID-19 clinics at general out-patient clinics doon.

Facebook Comments