Iba pang insidente ng sablay na pagbabakuna kontra COVID-19, iniimbestigahan na ng DOH

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang ilan pang kumakalat na video na sablay na pagtuturok ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa mga Local Government Unit (LGU) at mga apektadong indibidwal na hindi nabakunahan ng maayos.

Tiniyak naman ni Vergeire na nagsagawa na ang National COVID-19 Vaccine Operation Cluster ng re-orientation hinggil sa mga panuntunan sa pagbabakuna sa mga local at regional team sa bansa.


Muli namang umapela ang DOH sa mga LGU na tiyaking walong oras lang ang duty ng mga vaccinators para maiwasan ang mga pagkakamali.

Nanawagan din si Vergeire sa publiko na huwag batuhin ng sisi ang mga health worker at unawain ang kanilang sitwasyon.

Facebook Comments