IBA PANG INTERNET SERVICE PROVIDERS ,IGINIIT NA PAPASUKIN SA BACOOR SUBDIVISION

36

 

 

MULING nanawagan ang mga residente ng Cerritos Heights, sa pamamagitan ng Cerritos Heights Homeowners Association Inc. (CHHAI), na payagan ang ibang internet service providers (ISPs) na makapagkabit ng fiber internet sa kanilang subdivision sa Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa CHHAI, nais nilang masubukan naman ang serbisyo ng ibang provider ng fixed internet sa Cerritos Heights Phases 1 at 2, Cerritos Terraces, at Cerritos Hills Phases 1, 2, at 3.


Nais din ng mga residente na papasukin na rin sa subdivision ang Globe Telecom para sa paglalagay ng internret connection sa lugar.

Giit ng mga residente, mas kailangan nila ngayon ng mabilis na internet sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19.

Nauna nang kinalampag ng CHHAI ang Philippine Competition Commission (PCC) upang aksiyunan ang kanilang kahilingan.

Naghain na rin ng petisyon ang grupo upang payagang makapasok ang ibang internet service providers sa subdividision at magkaroon ng ‘back up’ internet.



 

Facebook Comments