Manila, Philippines – Nanawagan si Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa SSS na imbestigahan ang iba pang investment dealings ng ahensya.
Ito ay matapos na mabunyag ang pag-trade ng apat na opisyal ng SSS sa sariling stocks gamit ang stockbroker ng ahensya.
Giit ni Casilao, posibleng hindi isolated ang ginawa ng apat na opisyal ng SSS na sina SSS Executive Vice President for Investment Rizaldy Capulong, Vice President for Equities Investement Division Reginald Candelaria, Equities Product Development Head Ernesto Francisco Jr. at Actuarial and Risk Management Division Chief George Ongkeko.
Mabuti na aniyang masilip ang iba pang investment dealings upang maprotektahan ang pondo ng mga miyembro.
Hindi aniya katanggap-tanggap na hirap ang mga miyembro na makuha ang kanilang mga benepisyo at nahaharap pa ang mga ito sa dagdag na SSS contribution gayong ang mga matataas na opisyal ay tumatabo ng kita sa mga ginagawang iregularidad sa ahensya.