Iba pang kasabwat sa Bikoy video, tinutunton na ng NBI

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng NBI ang isang “Maru Nguyen” at iba pang mga itinuturong kasabwat sa tinaguriang “Bikoy” videos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng NBI sa computer at cellphone ng naarestong web designer na si Rodel Jayme, lumalabas na ka-chat niya ang isang alias “Maru Nguyen” na supporter daw ng Liberal Party (LP).

Nang mag-viral sa social media ang mga video, nag-alok daw si Nguyen ng pera para tulungan si Jayme na magtago hanggang matapos ang eleksyon.


Sinabi pa ni Jayme na dalawang supporter ng Liberal Party (LP) na kaibigan niya noon ang lumapit sa kaniya upang magpagawa ng website.

Gayunman, lingid aniya sa kanyang kaalaman na ang website pala na ito ay gagamitin para idawit ang pamilya Duterte sa illegal drug trade.

Facebook Comments