Oust Duterte matrix, pangtakip lang sa mga isyu

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Kiko Pangilinan na gawa-gawa lamang ang Oust Duterte matrix para pagtakpan ang mga tunay na isyu sa ating bansa.

Kabilang sa tinukoy ni Pangilinan na nangungunang isyu ngayon ang akusasyong sangkot sa ilegal na droga ang ilang miyembro ng pamilya Duterte.

Binanggit din ni Pangilinan ang pagdami ng mga Tsinong manggagawa sa bansa, ang hirit na itaas ang sweldo ng mga manggagawa at mas mataas na kita para sa mangingisda at magsasaka at problema sa suplay ng tubig at kuryente.


Sabi ni Pangilinan, may pattern ng ginagawa ang administrasyon para takpan ang mga isyu.

Inihalimbawa ni Pangilinan ang pagpapalutang noon ng red October destabilization plot para pagtakpan ang naging problema sa suplay at presyo ng bigas.

Facebook Comments