Iba pang kasabwat sa pagpaslang sa brodkaster na si Ed Dizon, ipinanawagang sumuko at makipagtulungan sa pamahalaan

Iba pang kasabwat sa pagpaslang sa brodkaster na si Ed Dizon, ipinanawagang sumuko at makipagtulungan sa pamahalaan.

 

Ipinanawagan ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco sa iba pang kasabwat sa pagpaslang sa brodkaster ng brigada na si Ed Dizon na lumutang at makipagtulungan sa kanila.

 

Ayon kay USEC Egco 6 na indibidwal o person of interest pa ang kanilang pinaghahahanap sa ngayon.


 

Umaapela ito sa iba pang kasabwat na lumantad upang tuluyan nang maresolba ang kaso ni Dizon.

 

Kasunod nito nilinaw ng suspect turned witness na si Hilario Lapi na kusa silang lumantad ng isa pang saksi na si Renato Sagoncillo upang ilahad ang lahat ng kanilang nalalaman.

 

Matatandaang July 10 nang pagbabarilin si Dizon ng riding in tandem habang ito ay pauwi sa kanilang bahay matapos ang kanyang ‘tira brigada’ radio program.

Facebook Comments