Iba pang kaso ng patayan sa war on drugs, tatalakayin ng DOJ at PNP

84

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na pag-uusapan na rin nila ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang hinggil sa iba pang kaso ng patayan sa giyera kontra ilegal na droga.

Ito aniya ay bukod sa 52 na kaso na inimbestigahan ng DOJ.

Sinabi ni Guevarra na anumang araw ngayong linggo ay magpupulong sila ni Eleazar hinggil dito.


Kasama rin sa tatalakayin ng dalawang opisyal ang rekomendasyon ng DOJ sa 52 kaso na isinumite ng PNP hinggil sa war on drugs.

Una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly na inatasan niya ang DOJ at PNP na panagutin ang mga umabuso sa operasyon kontra ilegal na droga.

Facebook Comments