MANILA – Ibinunyag ni Movement for Restoration of Peace and Order Chairperson Teresita Ang See na dati ng nangyayari sa iba pang dayuhan ang “tokhang for ransom” sa mga nakalipas na buwan.Ang pahayag ni See ay kasunod ng nalantad na kaso ng pagdukot, pangingikil at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo ng ilang pulis sa loob ng camp crame.Ayon kay ang See, halos magkakapareho ang kaso, kung saan ginagaya ang estilo ng “tokhang,” hinihingan pa ng pera ang kaanak ng biktima, ngunit sa huli ay pinapatay din ang mga ito.Sa record ng MRPO, labing isa pang kaso ng “tokhang for ransom” ang naitala sa Metro Manila.Karamihan sa nagiging target ng nasabing krimen ay Chinese na nagnenegosyo sa bansa.
Facebook Comments