Iba pang kaso sa Pilipinas ng mga naarestong Japanese nationals, nire-review ng DOJ

Kailangan munang tapusin ang paglilitis sa mga kaso sa Pilipinas ng mga naarestong Japanese nationals bago sila ipa-deport sa Japan.

Ayon kay Justice Spokesman Atty. Mico Clavano, kailangan nilang tiyakin na walang nakabinbing kaso laban kina Watanabe Yuki, Imamura Kiyoto at tatlong iba pang Japanese na matagal nang wanted sa Japan dahil sa pagkakasangkot sa malawakang nakawan doon.

Ipinaliwanag ni Clavano na hindi maaaring ipa-deport ang isang dayuhan kapag may iba pa itong kasong kinakaharap sa bansa.


Kailangan muna aniyang hintayin na ma-dismiss ang kaso bago atasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) para simulan ang summary deportation.

Nilinaw naman ni Clavano na kapag na-dismiss na ang kaso ay posibleng abutin ng sampu hanggang labinlimang araw bago ma-deport ang sinumang dayuhan.

Facebook Comments