Manila, Philippines – Nanawagan na rin ang Cebu Pacific at Cebgo sa publiko partikular na sa mga pasahero na agad magplano ng kanilang rutapatungong paliparan.
Kasabay ito ng pagdating sa bansa ng mga delegadong dadalo sa 30th asean summit sa bansa.
Pinapayuhan din ng Cebu Pacific at Cebgo ang mga pasahero na magtungo sa NAIA tatlong oras bago ang kanilang flight.
Sa harap ito ng no fly zone na pinatutupad ng CivilAviation Authority of the Philippines na nagdudulot ng pagka-antala ng ilang flights.
Una na ring nagpatupad ng kahalintulad na travel advisory ang Philippine Airlines.
Facebook Comments