IBA PANG MGA MICRO RICE RETAILERSSA PANGASINAN, NAPAMAHAGIAN NA RIN NG CASH ASSISTANCE

Napamahagian na rin ang mga micro rice retailers mula sa iba pang bahagi ng Pangasinan ng cash assistance bilang tulong sa kanila matapos na maisakatuparan ang executive order no. 39 para sa regular and well milled rice.
Ang naturang pamamahagi ay isinagawa sa pangunguna ng Department of Trade and Industry sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development at sa koordinasyon ng Local Government Unit kung saan kasama ang lungsod ng Alaminos, bayan ng , Bani, Anda, Bolinao at Burgos.
Ang mga napamahagian ay nasala sa pamamagitan ng validation at nakabase sa isinagawang inspeksyon ng DTI at ng Department of Agriculture.

Mula naman ang pondo sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program- Economic Relief Subsidy ng ahensya na may layunin na makapagbigay tulong sa mga compliant at lehitimong micro rice retailers sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments