Iba pang miyembro ng pamilya, posibleng sunod na payagan sa backride

Alinsunod sa dahan-dahang approach ng pamahalaan sa muling pagbubukas ng ekonomiya matapos malugmok dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na posibleng sa mga susunod na araw o buwan ay payagan na rin ang pag-angkas ng iba pang miyembro ng pamilya.

Sa Laging Handa public press briefing, nilinaw ni Malaya na sa ngayon ay tanging mag-asawa lamang na nakatira sa iisang bubong ang papayagan na magka-angkas sa motorsiklo.


Paliwanag nito, depende sa kanilang magiging assessment kung papayagan na rin na magka-angkas ang magkapatid o anak at magulang sa mga susunod na araw.

Habang sa mga maglive-in o common law wife at husband at magkasama sa bahay na miyembro ng LGBT community ay mainam na hintayin na lamang ang ilalabas na guidelines ngayong araw ng IATF.

Paalala nito sa mga mag-asawa na magka-angkas, magdala ng karampatang dokumento tulad ng ID na magpapatunay na sila nga ay mag-asawa at nakasaad dapat sa ID na magkapareho sila ng address o nakatira sa iisang bubong lamang.

Facebook Comments