Iba pang nabiktima ng 2 pulis-Mandaluyong na na-videohang nanghahataw ng kahoy, hinikayat ng Eastern Police District na dumulog sa kanilang tanggapan

Manila, Philippines – Hinikayat ng Eastern Police District (EPD) ang iba pang nabiktima ng pang-aabuso ng dalawang pulis-Mandaluyong na dumulog sa kanilang tanggapan.

Kasunod ito ng paglutang ng isa pang biktima nina PO1 Chito Enriquez at PO1 Julius Tandog.

Ayon sa isang alyas ‘Ronald’ – May 15 nang hulihin siya ng dalawang pulis at pinaghahataw din ng yantok.


Tiniyak naman ni Mandaluyong Chief Sr/ Supt. Joaquin Alva na agad nilang aaksyunan ang mga reklamo laban kina Tandog at Enriquez.

Matatandaang nag-viral ang video ng dalawang pulis kung saan makikita ang pamamalo ng ito ng yantok sa dalawang lalaking naaresto nila dahil sa pag-iinom sa kalsada.

Facebook Comments