Malalimang imbestigasyon sa sanggol na inabandona sa NAIS, iniutos ni MIAA GM Ed Monreal

138

Manila, Philippines – Inatasan na ni Manila International Airport Authority (MIAA) GM Ed Monreal ang Airport Police Department nito na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa sanggol na inabandona sa NAIA.

Ang sanggol ay natagpuan ng building attendant na si Maricel Guliman sa isang basurahan sa loob ng comfort room sa arrival area.

Sa inisyal na report, isang babae ang huling nakita ng janitress ng airport na naghuhugas ng panyo sa cubicle ng palikuran.


Agad namang dinala ng medical team ng Manila International Airport Authority ang bata sa Pasay City General Hospital para matutukan ang kalusugan nito.

Facebook Comments