Ipapatawag na sa pagdinig ng Senado sina Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Agnes Devanadera at iba pang opisyal ng sektor ng kuryente.
Kaugnay ito ng naranasang brownout o pagkukulang ng suplay ng kuryente sa mga lugar na kabilang sa Luzon Grid.
Sa inilabas na ng impormasyon ng opisina ni Senator Sherwin Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Energy, napadalhan na ng imbitasyon sina Cusi at Devanadera para sa pagdinig na nakatakda sa darating na Huwebes (June 10) alas-9 ng umaga.
Bukod sa kanila, pinadalhan na rin ng imbitasyon ang mga opisyal ng National Power Corporation (NAPOCOR), National Electrification Administration (NEA), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at Philippine Electricity Market Corporation (PEMC).
Kasama rin sa imbitado ang mga distribution utilities sa pangunguna ng Manila Electric Company (Meralco) at maging ang Department of Justice (DOJ).