Iba pang ospital at clinic na sangkot sa ‘bogus’ claims, iimbestigahan

60

Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (nbi) ang iba pang ospital at clinic na may kaduda-dudang dialysis treatment claims na bayad ng PhilHealth.

Ang pinalawak na imbestigasyon at ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos makasuhan ang mga opisyal ng Wellmed Dialysis and Laboratory Center.


Ayon kay Guevarra – makikipag-coordinate ang NBI sa PhilHealth para sa iba pang posibleng whistleblowers para umusad ang imbestigasyon sa mga ulat na may ilan pang dialysis treatment establishments na sangkot sa iregularidad.

Nitong nakaraang linggo, nagbitiw ang mga board members at executives ng PhilHealth sa pangunguna ng kanilang President-CEO Roy Ferrer.

Nilinaw naman ni Guevarra na kahit sila ay nag-resign ay sasailalim pa rin sila sa imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers