Darating na rin sa bansa bukas ng madaling araw ang 16 pang stranded Filipino seafarers na naipit sa lockdown sa China.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kasama rin sa chartered flight na darating bukas ng ala-1:00 ng madaling araw ang tatlong land-based Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa China.
11 naman mula sa 16 Pinoy seafarers ay mula sa Ocean Star 86, na stranded sa Dongshan, China mula pa noong Marso.
Habang ang limang iba pa ay mula naman sa M/V Maria P. na stranded sa Ningde mula noong July 2020.
Ang naturang dalawang barko ay kapwa Chinese fishing vessels na naapektuhan ng “no disembarkation” policy ng China sa harap ng COVID-19 pandemic.
Matapos ang pakikipagnegosasyon ng Philippine Consulate General sa Xiamen, China at ng mga may-ari ng barko, napayagan ding makadaong ang dalawang Chinese fishing vessels.