Para kay Senator Robin Padilla, maganda ang isinusulong sa Kamara na Charter Change o ChaCha para gawing limang taon pero may dalawang termino ang pangulo, pangalawang pangulo, kongresista hanggang barangay chairman.
Pero ayon kay Padilla, may ibang dapat unahing baguhin sa pag-amyenda sa ating konstitusyon.
Tinukoy ni Padilla ang mga probisyon na may kinalaman sa foreign direct investment para matugunan ang nararanasang kahirapan at matugunan ang ating pambayad sa malaking pagkakautang.
Makabubuti rin para kay Padilla na unang tutukan ang pagbabago sa porma at sistema ng gobyerno para masolusyunan ang korapsyon at para maibaba at mailapit sa taong bayan ang pamahalaan.
Isa sa plano at ipinangako ni Padilla na unang isulong sa Senado ay ang pagbabago sa porma ng gobyerno mula sa kasalukuyang presidential patungong pederalismo.